Breaking News

Share this information:

ITUTULOY na lamang ni Rep. Manny Lopez ang huli niyang termino bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Maynila.

Ayon ito sa pahayag mula sa opisina ng mambabatas na kumakalat sa social media.

Nakasaad sa pahayag na sa halip na tumakbo bilang mayor ng Maynila tulad ng unang napaulat, ay napag-desisyunan na nitong kumpletuhin na lamang ang kanyang huling termino, pati na ang kanyang mga proyekto at legislative agenda at pagserbisyuhan ang kanyang constituents sa kanyang distrito.

Anak ni dating Manila Mayor Gemiliano ‘Mel’ Lopez, Jr., si Rep. Lopez ay nasa kanyang ikalawang termino bilang kongresista ng unang distrito ng Maynila.

Isa si Lopez sa inendorso ni Panguong Rodrigo Duterte bilang pambato ng PDP-Laban sa pagka-Mayor ng Maynila. 

(PHOTO CREDIT: congress.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: