Comelec, nagbigay ng pahayag hinggil sa pagkuwestiyon sa batas na nagpapaliban sa 2022 BSKE

Share this information:

NAGPAHAYAG ang Commission on Elections (Comelec) bilang reaksiyon sa pagkuwestiyon ni Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema ng RA  11935 o ang batas na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections ngayong taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala siya na magandang hakbang ang ginawang petisyon ni Macalintal.

Ayon kay Garcia, panahon na para magkaroon ng interpretasyon sa Saligang Batas hinggil sa kapangyarihan ng Kongreso na mag-postpone ng eleksyon. 

Sakali aniyang magkaroon ng ruling ang Korte Suprema hinggil sa naturang usapin ay ito na ang magiging basehan sakaling magkaroon muli ng postponement o reset ng halalan. 

Kasabay ng pagkwestyon ni Macalintal sa postponement ng BSKE, umaasa rin ito na maglalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.