Clinical trials para sa Ivermectin, ikinakasa na — DOST

Kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na ikinakasa na ang clinical trial para sa gamot na Ivermectin.

Ayon kay DOST- Philippine Council for Health Research and Development Dir. Jaime Montoya, maaari nang umpisahan ang trial sa katapusan ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.

Ayon pa kay Montoya sa virtual kapihan ng Department of Health (DOH), target nila na magkaroon ng 1,200 COVID-19 patients sa ilang matutukoy na quarantine facilities.

Posible naman umanong tumagal ang clinical trial sa loob ng anim na buwan.

Ayon pa sa eksperto, kasalukuyan nang pinaplantsa ang iba pang detalye ukol dito.

Ang pahayag ng eksperto ay kasunod na rin ng pagsusulong sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.