Hindi umano totoo ang kumakalat na ulat sa social media na magkakaroon ng “circuit breaker” lockdown sa Metro Manila.
Kinumpirma mismo ng Department of Health (DOH) na ito ay isang “fake news.”
Base sa kumakalat sa social media, inanunsyo umano ng Task Force sa isang conference na ang nasabing lockdown ay ipatutupad ng dalawang linggo.
“In these coming two (2) weeks lockdown which will take effect starting Monday, March 22, 2021 up to Easter Sunday, on April 4, 2021, non-essential businesses will be closed again either on a NCR wide or possible on a localized lockdown basis on hotspots or area of special concern depending on the local Mayor.” nakasaad sa kumakalat sa social media.
Ayon pa sa fake news, magsisimula ang “circuit breaker” lockdown upang samantalahin ang Holy Week holidays.
“Supermarkets will again be full due to the mad rush in panic buying to stock up as an aftermath of the announcement,”, ayon pa sa kumakalat na fake news