Nanawagan ng panalangin mula sa mga mananampalataya ang pamununan ng Caritas Manila at Radio Veritas para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos itong magpositibo sa sakit na COVID-19.
Si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila ay sumailalim sa RT-PCR swab test at nagpostibo ito sa COVID-19.
Kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 si Fr. Pascual sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City habang naka-quarantine naman ang mga kawani ng Caritas Manila na nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Matatandaang sa pamumuno ni Fr. Pascual, naging aktibo ang Caritas Manila sa pagtugon sa mga pangangailangan dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pamamahagi ng COVID-19 kits, P1.5-bilyong “Gift Certificates” at Caritas Manna packs sa 9.8-milyong indibidwal.