Chinese New Year, inaasahang dadagsain ng mga bisita ngayong taon

Share this information:

TINATAYANG aabutin ng isang milyon katao ang inaasahang dadagsa sa lungsod ng Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong taon.

Bunsod nito, sinabi ng Manila local government unit na humingi na rin ito ng tulong sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) para sa karagdagang seguridad at mapanatiling maayos ang nasabing pagdiriwang—ang taon ng Wooden Dragon.

Naghanda naman ng mga aktibidad ang Filipino-Chinese community sa Pebrero 9 na idineklarang special non-working day para sa Chinese New Year.

Kabilang rito ang fireworks display habang makikilahok ang nasa 40 floats para sa float parade sa Pebrero 10.

Paalala ng pamunuan ng MPD, asahan na ang pagpapatupad ng traffic rerouting sa lugar dahil sa gagawing parada.

Mag-aalok din ng diskwento ang mga restaurants sa Chinatown bilang bahagi ng pagdiriwang.

Sa kick-off ceremony ng Chinese New Year sa pamamagitan ng Prosperity Lighting noong Sabado, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na hindi lamang ang Lunar celebration ang ipinagdiriwang kundi ang 430 taon ng Manila Chinatown na pinakamatanda at pinakamalaking Chinatown sa mundo.

Sa Pebrero 18, magkakaroon din ng lantern parade at iba pang aktibidad na kaugnay sa selebrasyon ang inorganisa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.