Makasaysayang “Battle of Manila,” ginunita sa lungsod ng Maynila

Share this information:

GINUNITA ngayong araw ang ika-79 na anibersaryo ng makasaysayang “Battle of Manila” sa lungsod ng Maynila.

Ang “Battle of Manila” ay isa sa mga madugong bahagi ng digmaan sa Pasipiko at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap sa kabisera ng bansa sa pagitan ng pinagsamang tropang Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapon. 

Sa kalagitnaan ng labanan, maraming buhay ang nawala, nawasak na mga gusali at ari-arian sa halos tatlong taong pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945.

Ang pag-gunita ay pinangunahan ni Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan, kung saan nagalay ito ng bulaklak sa himlayan ng 100,000 inosenteng sibilyan sa Plazuela Sta. Isabel sa Intramuros kasama ang mga ambassador mula sa iba’t-ibang bansa at iba pang mga kinatawan ng iba pang mga bansa. 

Inalala rin ng isa sa nakaligtas na si Jose Miguel Cabarrus, past president at board director ng Memorare Manila 1945, isang samahan ng mga nakaligtas sa naturang Battle of Manila ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa World War II. 

Dumalo rin ang mga Ambasaador mula sa US, Marykay Loss Carlson, Canadian Ambassador David Bruce Hartman, Peter Francis Tavita Kell mula sa New Zealand, at mga kinatawan ng embahada ng China, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Australian Embassy, at Embassy of the United Mexican States.

Nakiisa rin sa paggunita ang Department of Tourism, Department of Culture and Arts of Manila, National Historical Commission of the Philippines, Intramuros Administration, at Armed Forces of the Philippines. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.