Breaking News

Share this information:

MAHIGPIT na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa House of Representatives kasunod ng pagbabantang natanggap ng ilang mga mambabatas.

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco ang impormasyong ipinarating ng mga kongresista at kawani kasabay ng pagtitiyak na may ginagawa na silang hakbang upang protektahan ang kanilang kaligtasan.

“There have been threats being received by members. Members of Congress, by employees, by staff, from groups,” pagkumpirma ni Velasco.

“The security has been tightened. So we just want to protect the members of the House of Representatives and staff and employees of the House from any untoward incidents,” dagdag nito.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Velasco kung anong uri ng pagbabanta ang natanggap ng mga mambabatas na nagsimula pa umano noong Enero.

“Basta sinasabi lang na baka bombahin itong House of Representatives,” ayon pa sa Secretary General.

Binanggit ni Velasco na ang ipinaiiral na security measures ngayon sa Kamara ay katulad ng paghihigpit na kanilang inilatag sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Partikular na mas mahigpit ang Kapulungan sa mga naka-motorsiklo.

“Ni-report sa akin ng security. There were some motorcycles going around the premises. Kaya pinagbawal na naman ‘yung motorcycles being parked in front of any buildings. So we have designated a special parking area for motorcycles. And then for those deliveries, we have instructed our security that delivery men should stay at the gate. And then the goods or supplies will just be picked up by the representatives of the members or employees. Dati kasi we allowed them to come,” paliwanag ni Velasco. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.