Breaking News

Share this information:

PATAY ang isang Chinese national matapos barilin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Maynila Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Wen Dun Chen, 50 anyos,  negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police Department (MPD), ala 1:45 ng hapon ng mangyari ang pamamaril sa Sunjoy building, 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.

Ayon naman sa testigong si Freddie Boy Yacob, elevator operator, nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang  5’7, at katamtaman ang pangangatawan ng lalaking suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputukan ang suspek sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan. 

Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng MPD Homicide Section sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: