Breaking News

Share this information:

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Women and Gender Equality ang mga panukalang batas na layong ipagbawal na ang “child marriage” sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng komite, nagkasundo ang mga mambabatas na bumuo ng substitute bill mula apat na House Bills na pawang nagpapadeklara na ilegal ang child marriage.

Para sa mga nagsusulong ng panukala, ang child marriage ay malinaw na hadlang sa pagkabata, edukasyon at iba pang mga oportunidad sa buhay ng mga menor de edad.

May mabigat din umano itong epekto sa “physical at psychological well-being” ng paslit.

Sa ilalim ng substitute bill, maliban sa proteksyong ibibigay sa mga bata laban sa child marriage, papatawan din ng parusa ang mga nakatatandang lalabag dito.

Batay umano sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang Pilipinas ang pang-labing-dalawa sa mga bansa sa mundo na may pinaka-maraming child brides na umaabot sa 726,000.

Tinatayang 15% ng kabataang Filipina ang naikasal bago maging 18-anyos, habang dalawang porsyento ang naikasal bago ang edad na 15.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: