Breaking News

Share this information:

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na ipapabatid pa rin sa mga tatanggap ng bakuna kung anong brand ng bakuna laban sa COVID-19 ang ituturok sa kanila.

Ipinalabas ng DOH ang paglilinaw sa naunang pahayag na hindi na iaanunsyo sa publiko kung anong brand ng bakuna ang available na ituturok sa mga pipila sa vaccination site.

“‘Pag sinabi naman na hindi natin ia-announce ‘yung brand, we are not going to announce the brand as of [that] day,” paliwanag pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam sa telebisyon.

“Siyempre bago ‘yan ibakuna sa inyo, sasabihin ano ‘yung ibibigay,” ayon naman kay Dr. Gloria Balboa, ang regional director ng DOH sa Metro Manila.

Ayon sa dalawang opisyal, ang naturang bagong istratehiya ay upang maiwasan na ang overcrowding sa vaccination sites.

Nauna rito, dumagsa ang mga taong nais magpabakuna sa ilang vaccination sites matapos na matukoy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang available, partikular na ang Pfizer.

Sinabi ng DOH na hindi naman pipilitin ang mga tao na mabakunahan at kung tatanggi na maturukan dahil hindi gusto ang brand ay papayuhan na muling pumila sa dulo.

Iginiit naman ni Vergeire na hindi na dapat pang mamili ng brand ng bakuna ang mga mamamayan dahil lahat ng bakunang dumating sa bansa ay magbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: