Champion Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena, nag-courtesy call sa meyor ng Maynila

Share this information:

BUMISITA sa Manila City Hall ang Filipino pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena upang mag-courtesy call kay Manila Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng alkalde ang tagumpay at mga kontribusyon ni Obiena sa larangan ng sports.

Ayon kay Lacuna, maliban sa Overseas Filipino Workers o OFWs, ang mga Pilipinong atleta ay maituturing din na mga “bayani” ng ating bansa.

Inanunsyo naman ni Lacuna na nagpasa ang konseho ng siyudad ng Maynila ng hindi bababa sa apat na resolusyon, na pagbati kay Obiena sa mga nakalipas nitong karangalang hatid sa ating bansa matapos na manalo o makapag-uwi ng mga medalya mula sa iba’t-ibang kumpetisyon.

May handog din na P300,000 ang lokal na pamahalaan para kay Obiena.

Si Obiena ay tubong Tondo sa Maynila. Kamakailan, si Obiena ay idineklara bilang isa sa “outstanding Manilan” sa nakalipas na pagdiriwang ng Araw ng Maynila.

(PHOTO CREDIT: Screengrab from Dra. Honey Lacuna Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.