Mahigit 300 dayuhan, ipade-deport ng BI

NASA 372 dayuhan ang pababalikin sa kani-kanilang mga matapos silang mahuli ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasig at Angeles City noong nakaraang Setyembre.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasikaso na ng BI ang pagpapa-deport sa mga dayuhan “in batches.”

Sinasabing mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nasa 331 Chinese nationals at 41 pang ibang nationality na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Nasa 43 sa kanila ay nai-turn-over na sa BI habang ang mga nalalabi ay nananatili sa kustodiya ng mga umarestong ahensya.

Naglabas na ang BI Board of Commissioner ng Summary Deportation Order 371, at tinatapos na lamang ang mga pangangailangan para sila mapaalis.

Samantala, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na inumpisahan na nila ang proseso ng kanselasyon ng visa ng 48,782 dayuhan na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGO at mga service providers na nakansela o nabasura na ang “authority to operate” ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.