Kaso ng COVID-19 sa bayan ng Subic, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Subic sa Zambales.

Base sa Facebook post ni Subic Mayor Jon Khonghun, tatlo sa mga ito ang panibagong naitala sa kanilang Municipal Health Department nitong araw ng Sabado, September 13, 2020.

“Nais ko po ipagbigay alam sa ating mga kababayan ng Subic na tatlo (3) po sa ating kababayan ay nag positibo(+) for covid19. Nasa mabuting kalagayan naman po sila at kasalukuyang nagpapagaling,” ayon kay Mayor Khonghun sa kanyang Facebook post.

“Ang mga pasyente po natin ay nasa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) na. For disinfection and contact tracing, close down po muna ang parte ng Fiesta Homes, Brgy. Mangan-Vaca, parte ng purok 4 at Subic Hills, Brgy. Aningway Subic,” ani pa ng alkalde.

Sa datos ng health department, umabot na sa 41 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit as of September 12, 2020, habang nasa 12 ang bilang ng mga confirmed cases.

Nasa 28 bilang ang recoveries at isa ang nasawi.

Paalala ni Mayor Khonghun, lagi umanong isa isip ng mga residente ng Subic na bago lumabas ng bahay ay magsuot ng Facemask at Faceshield.

“Palagi po sana tayo magsuot ng FACEMASK at FACESHIELD kahit saan tayo magpunta. Sa lahat po ng ating mga kababayan na nagbalik trabaho, sana po maging self aware po tayo na pag may naramdamang sintomas, agarang ireport po sa ating Subic IATF Hotline (0917-105-0467) at makipagugnayan agad sa ating Municipal Health office. Ugaliing maglinis ng katawaan pag uwi ng bahay. Magiingat po tayong lahat. #keepsafesubic Godbless,” saad ni Khonghun.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.