UTAS ang caretaker ng palaisdaan sa Hagonoy, Bulacan nang pagbabarilin sa labas ng kanyang kubo.
Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na si Alexander de Guia na nuo’y kumakain sa kubo kasama ang live-in partner nito nang tawagin ng mga suspek.
Nang lumabas ang biktima para kausapin ang dalawang lalaki na may takip na tela ang mukha, agad na pinagbabaril si de Guia.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo at nasa likod ng pamamaril

