TODAS makaraang pagbabarilin ang isang construction worker sa Quezon City, Lunes ng gabi.
Natukoy ang napatay na si Dakila Nazareno na pinuntirya ng lalaki na sakay ng motorsiklo habang inilalabas nito ang basura mula sa kanilang bahay.
“Siya ay maglalabas lang po sana ng basura. Ngayon, dumating itong unidentified male riding a motorcycle tapos bigla po siyang pinagbabaril,” ayon kay duty officer Police Lieutenant Novelson Maanao ng Quezon City Police District Station 6.
Mga tama ng bala ng baril sa dibdib, tiyan at likod ang tumapos sa buhay ng biktima.
Nakuha ng pulisya sa lugar ng krimen ang tinatayang sampung basyo ng bala.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo ng pagpata kay Nazareno na kabilang umano sa drug watchlist ng Barangay Batasan Hills.
Dahil kasama sa drug watchlist ang biktima, naniniwala si Maanao na maaaring pinatay si Nazareno dahil sa onsehan sa droga