Breaking News

Share this information:

PINUNA ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples– ang mga lingkod bayan na mas higit na binibigyang prayoridad ang pansariling interes sa salapi at kapangyarihan kaya nanaig ang katiwalian sa pamahalaan.

Inanyayahan ni Cardinal Tagle ang bawat isa na magkaroon ng pagsusuri sa sarili hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang isang pamilya at komunidad.

Sa pagninilay ng kardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino, binigyang-diin nito na mahalaga ang pagsusuri sa sarili upang ganap na maunawaan kung ano ang dapat bigyang prayoridad upang makarating sa nais na patutunguhan.

Sinabi rin nito na ang pagkakaroon ng magulong prayoridad ay isang dahilan upang mawala sa direksyon sa buhay ang isang indibidwal.

Pinuna rin ng kardinal ang mga mag-aaral na sa halip na gamitin sa pag-aaral ang makabagong teknolohiya tulad ng mga gadget at internet ay ginagamit lamang ito sa paglalaro na nagdudulot ng pagkawala ng prayoridad ng mga ito sa pag-aaral.

Minsan ang hinihingi natin o kinukuha natin wala naman talagang masyadong kinalaman doon sa direksyon sa buhay. You are a public servant that’s your goal so look for wisdom to govern not to use the position for riches, that’s not governance, that’s corruption. You are a student, your goal is to study, you’ve been given a computer to help you study not to spend the whole day and night with video games, you will lose your way,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng kardinal na hindi dapat balewalain ng sinuman ang Salita ng Diyos sapagkat sa pamamagitan nito ay higit na mauunawaan ang plano ng Panginoon para sa buhay ng bawat isa.

(PHOTO CREDIT: vaticannews.va)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: