Breaking News

Share this information:

PAREHONG sugatan ang dalawang lalaking magkalugar nang mauwi sa pananaksak at pamamaril ang masayang inuman ng mga ito sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon nina PSSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Ernie Baroy, bago naganap ang insidente ay nag-iinuman sa Hasa-Hasa St., Blk 14 D, Brgy. Longos sina Allan De Luna, 49 anyos, construction worker ng Blk 14-C, Lot 22, at Albert Garcia, 30 anyos, food delivery rider ng Blk 14-D, Lot 24, kapwa ng Phase 2, Area 3, Brgy. Longos.

Base sa pahayag sa pulisya ni Garcia, sinaksak siya ni De Luna sa kanang balikat habang sa kabilang banda, sinabi naman ni De Luna na binaril siya ni Garcia sa kaliwang braso.

Isinugod sa Tondo Medical Center si De Luna ng rumespondeng mga barangay tanod para magamot ang tinamong tama ng bala sa braso habang tinulungan naman ng mga tauhan ng Sub-Station 5 na magamot ang mababaw na saksak sa balikat ni Garcia.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, hindi narekober ang mga armas na ginamit sa insidente habang pareho namang nagsampa ng charge counter charge si Garcia at De Luna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: