Breaking News

Share this information:

SIYAM na indibidwal ang kumpirmadong nasawi dahil sa paghagupit ng bagyong Maring sa Luzon habang labing-isa ang iniulat na nawawala.

Nabatid mula kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, Jr., na kabilang sa mga namatay sa kalamidad ay ang apat na residente sa Narra, Palawan na inagos ng flashflood.

Mayruon ding tatlong indibidwal ang natabunan ng buhay sa landslide sa La Trinidad, Benguet habang isa ang namatay sa pagguho sa Itogon, Benguet. Mayruon ding isang residente ang nalunod sa Claveria, Cagayan.

Maliban dito, sinabi ni Jalad na mayruong labing-isang residente ang nawawala kabilang ang apat pang indibidwal sa Narra, Palawan na inagos din; tatlong taga-Dominican Minador; dalawa sa La Trinidad, Benguet; isa sa Itogon, Benguet at isa sa Badoc, Ilocos Norte.

Nabatid pa mula sa NDRRMC na may dalawang nasaktan dahil din sa pananalasa ng bagyong Maring kabilang ang isang residente ng Buguias, Benguet at isa mula sa bayan ng Itogon.

Sa nakalipas na magdamag ng Lunes hanggang Martes ay nakapagtala ng 15 flooding incidents at apat na pagguho sa Region 1, Region 2, MIMAROPA, Region 6 at CAR. Sa paunang datos, nasa 468 na pamilya o katumbas ng 1, 638 na residente ang apektado ng bagyo

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: