Breaking News

Share this information:

TINIYAK ng bagong-talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

My role is to help and lead you in fulfilling your vocation and ministry. As your shepherd, Christ has called me to ‘feed’ you and ‘to lead you to the richest pastures,'” bahagi ng pagninilay ni  Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang pastol ng arkidiyosesis.

Ikinagalak  naman ni Cardinal  Advincula ang mainit na pagtanggap ng iba’t ibang religious communities ng arkidiyosesis na dumalo sa isinagawang “Solemn Vespers” noong Hunyo 26 ng hapon sa Manila Cathedral.

Kinilala rin ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious men and women sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa bawat komunidad katuwang ang mga diocesan priests ng arkidiyosesis.

All of us are heralds or living instruments of God’s mercy to one another. Such is our saving mission which Christ has entrusted to the Church,” ani ng Cardinal.

Una nang sinabi ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na ang mga relihiyoso at relihiyosa na narito sa Maynila ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kabanalan at pagmamahal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pananalangin at kahandaang makinig upang higit na magampanan ang misyon ng simbahan sa bawat mananampalataya.

We need to pray, to unite ourselves in prayer; because in prayer we are being disposed to listen attentively to Christ our chief shepherd as well as listen generously to one another as members of Christ’s flock,” giit ni Cardinal Advincula.

Batay sa tala ng Roman Catholic Archdiocese of Manila, may 809 na religious women habang 112 naman ang religious men.

Magiging katuwang naman ni Cardinal Advincula sa kanyang priestly mission sa arkidiyosesis ang 245 diocesan clergy at 373 religious clergy.

Nauna nang tiniyak ng religious communities sa bagong arsobispo ng Maynila ang pakikipagtulungan at pakikiisa sa misyon ng simbahang Katolika lalo’t ipinagdiriwang ngayong taon ang 500 Years of Christianity sa paksang “Gifted to Give.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: