Breaking News

Share this information:

DIRETSO sa kalaboso ang anim katao matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Sa report nina PSSgt. Jose Romeo Germinal at PSSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 5 sa pangunguna ni PLt. Zoilo Arquillo sa kahabaan ng Flovi 6, Letre, Brgy. Tonsuya.

Dito, napansin ng mga pulis si Rolly Magallanes, 52 anyos, at Nherwin Quintero, 32 anyos, na nagsasagawa ng ilegal na tupada na naging dahilan upang arestuhin ang dalawa at makumpiska sa kanila ang isang patay na panabong na manok na may tari at P3,100 bet money.

Samanlata, dakong ala-1:30 ng hapon, nagsasagawa din ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PMaj. Carlos Cosme Jr. sa Sapa St., Brgy. Panghulo nang maaktuhan nila ang isang grupo ng kalalakihan na naglalaro ng cara y cruz.

Gayunman, nang mapansin ng mga ito ang mga pulis ay mabilis silang nagpulasan sa magkakaibang direksyon kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner sina Joshua Touquero, 24 anyos, Chiristopher Villagrascia, 33 anyos, Harold Villanueva, 33 anyos, at Mark Villanueva, 32 anyos.

Narekober ng mga pulis ang tatlong pirasong peso coins na nagsilbi bilang “pangara” at P520 bet money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: