Calbayog City Mayor, 3 iba pa patay sa engkuwentro sa Samar

Share this information:

NASAWI makaraang makipagbarilan umano si Calbayog City, Samar Mayor Ronaldo Aquino, Lunes ng hapon.

Kasama ni Aquino sa napatay sa engkuwentro ang kanyang drayber at security escort. Samantala, isa ring pulis ang nasawi at isa pa ang nasugatan sa panig naman ng nakalaban ng grupo ng alkalde.

Batay sa paunang impormasyon, lulan ng van ang alkalde na bumabagtas sa tulay ng Laboyao sa Barangay Lonoy nang mapansin umanong may sumusunod sa kanila na isa pang sasakyan.

Sa pag-aakalang sinusundan sila, pinaputukan umano ng grupo ng alkalde ang mga sakay ng nakasunod na sasakyan na natukoy na mga pulis pala.

Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng alkalde at tatlong iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.