Ex-police “hired killer” arestado sa Abu Dhabi

Share this information:

BALIK-Pilipinas na ang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na wanted sa mga kasong pagpatay at physical injuries matapos na maaresto sa Abu Dhabi.

Tinukoy ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group chief, Col. Thomas Frias Jr., ang natimbog na suspek na si  dating Police Officer 3 Ruben Baliong, na dumating sa bansa dakong alas-2:45 ng Lunes ng hapon lulan ng Etihad Flight EY 424.

Si Baliong ay may kinakaharap na warrant of arrest sa Caloocan Regional Trial Court dahil sa kasong murder at isa pang kasong murder at physical injuries sa Paranaque City Regional Trial Court.

Dating nakatalaga sa Mandaluyong Police Station 3 si Baliong at itinuturong sangkot din umano sa illegal drug trade at “contract killer.”

Una nang nakalipad patungong Abu Dhabi si Baliong nuong Enero 4, 2019 at nagtrabaho bilang security officer sa Star Security Services.

Naberipika ng PNP ang travel records ni Baliong sa Bureau of Immigration nuong Nobyembre 5, 2020 at nakipag-ugnayan agad sa Philippine Center on Transnational Crime, Interpol National Central Bureau upang madakip ito.

“The subject was arrested by the Abu Dhabi Police and turned over to our custody on February 3, 2021,” ayon pa kay Frias. Nai-turn over naman si Baliong sa PNP-IMEG nuong Marso 6.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Calbayog City Mayor, 3 iba pa patay sa engkuwentro sa Samar

Mon Mar 8 , 2021
NASAWI makaraang makipagbarilan umano si Calbayog City, Samar Mayor Ronaldo Aquino, Lunes ng hapon. Kasama ni Aquino sa napatay sa engkuwentro ang kanyang drayber at security escort. Samantala, isa ring pulis ang nasawi at isa pa ang nasugatan sa panig naman ng nakalaban ng grupo ng alkalde. Batay sa paunang […]

Follow Us

%d bloggers like this: