5 barangay sa Maynila, posibleng i-lockdown

Share this information:

MAHIGPIT nang minumonitor ng Manila Police District ang limang barangay sa lungsod ng Maynila na may hindi bababa sa sampung kaso ng COVID-19 at posibleng maisailalim sa lockdown.

Tinukoy ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang mga barangay 351, 675, 699, 701, at 725 sa Maynila.

Nabatid na sa barangay 351 ay may binabantayan na 12 kaso; 10 sa Barangay 675; 12 sa Barangay 699; 14 sa Barangay 72 at 15 sa Barangay 725.

Sinabi pa ni Francisco na mayroon na silang koordinasyon sa Manila Health Department at lokal na pamahalaan para sa posibilidad na isailalim sa lockdown ang mga nasabing barangay kapag nakumpirma sa validation nito ang maraming kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ni Francisco, plano nilang gawin ng limang araw ang lockdown at mahigpit ang kanilang ipatutupad na seguridad.

Tiniyak na rin aniya ng Manila LGU na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga residente sa mga barangay na mai-la-lockdown.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Ilang lugar sa Navotas City, isinailalim sa lockdown

Tue Mar 9 , 2021
SAMPUNG lugar sa Navotas City ang nasa ilalim ngayon ng granular lockdown bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Kabilang sa mga naka-lockdown ay ang: Navotas City Hall – Pebrero 23 – Marso 9, 2021 Gov. Pascual Sipac Almacen – Pebrero 24 – Marso 10, 2021 Sioson […]

Follow Us

%d bloggers like this: