Bulto ng ‘shabu’ nasamsam sa isang bodega sa Pasay City

Nasamsam ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP), kasama ang Ninoy Aquino International Airport–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang abandoned outbound parcel na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa isang cargo warehouse sa Andrews Avenue, Pasay City.

Base sa ulat ng pulisya, alas 11:30 ng umaga hanggang alas 2:30 hapon ang kargamento na idineklarang “2 carbon water filters” at nakatakdang ipadala sa Australia na kahina-hinalang lumabas sa X-ray screening. 

Kinumpirma ito ng K9 Dog “Magnus” sniffing operation at sa isinagawang manual inspection ng Bureau of Customs personnel ay natuklasan na humigit- kumulang 58.3 gramo ng illegal substance ang itinago sa loob ng kahon.

Ang nasamsam na droga ay may tinatayang standard value na Php 83,835.04 libong piso.

Bagama’t walang naaresto, lumabas na ang pakete ay ipinadala ng isang lalaki mula NCR patungo sa isang babae sa bansang Australia. 

Kapwang itinuturing persons of interest ang dalawa at isasailalim sa karagdagang imbestigasyon.

Itinurn-over ang ebidensiya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kustodiya at nararapat na disposisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.