Botika at mini mart sa Calamba, pinagnakawan

Share this information:

Pinagnakawan ang isang botika at Korean minimart na pag-aari ng dalawang negosyante sa Barangay Makiling, Calamba City Laguna kahapon.

Ipinagbigay-alam agad sa Calamba City Police Station ang naganap na pangyayari ng may-ari ng botika na si John Carlos Francisco Mamaril, 24 anyos, at naninirahan sa Georgia Club Brgy. Don Jose, Santa Rosa, Laguna.

Base sa ulat, alas 8 ng gabi ng Huwebes nang iwan ni Marilou De Guzman, 45 anyos at may-ari ng Seoule K mart sa Bgry. Saimsim, at ni Mamaril ang kanilang tindahan upang  umuwi ng bahay. Walang security guard sa nasabing mga tindahan.

Kinabukasan ng Biyernes bandang ala -7:00 ng umaga. natagpuan ni de Guzman na wasak na ang padlock ng kanilang roll –up gate.

Tumambad sa kanya ang mga nagkalat na paninda at pera na halagang P45,000 ay nawawala sa kaha.

Agad na tinawagan nito si Mamaril, ang may-ari ng katabing botika at pagbukas din ng kanyang tindahan ay nawawala na din ang cash na nagkakahalaga ng P25,000 na tinangay ng mga di pa nakikilang suspek.

Pinag-aaralan na ng Calamba City Police Station ang mga kuha sa CCTV at inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

50 million COVID-19 vaccines distributed, 30 million administered in the US

Sun Jan 31 , 2021
The US continues to implement its vaccination plan to inoculate its citizens as almost 50 million doses of COVID-19 vaccine have already been distributed in the country. Of this amount, close to 30 million doses have been administered, according to the Centers for Disease Control and Prevention. Among the vaccines […]

Follow Us

%d bloggers like this: