Breaking News

Share this information:

IPINAGDIINAN ni Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire na napakalayo para makapanghawa ng COVID-19 ang “blood transfusion” o mga donasyong dugo.

Gayunpaman, hindi aniya nagpapabaya ang DOH kung saka-sakali.

Ayon kay Vergeire, ang infection ng COVID-19 ay naisasalin sa pamamagitan ng droplets.

For us to look at the possibility  that COVID-19 would be transmitted through transfusion ay napakalayo.” pahayag pa ni Vergeire

Ayon din aniya sa World Health Organization (WHO), napaka-minimal o lubhang kakaunti ng ebidensya tungkol dito at kailangang pag-aralang maigi pero yung mga posibilidad ay nandun lalo na kapag sa ina at sanggol na isa umano sa tinitingnan.

Kapag aniya ito ay posible, posible rin aniya sa tranfusion.

Sa ngayon, hindi pa ito kinukumpirma ng DOH dahil kailangan pa ng masusing ebidensya.

Paliwanag pa ni Vergeire, kahit pa aniya nakakapanghawa nga ang COVID-19 sa pamamagitan ng blood transfusion, ang mga blood services program naman aniya simula’t sapul ay mayroon nang pag-iingat o safeguards.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: