Breaking News

Share this information:

SASAKAY na rin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kasikatan ng video sharing application na TikTok para ikampanya ang kaalaman patungkol sa bagyo.

Ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano, gagamit sila ng infographics at videographics sa TikTok upang palakasin ang kanilang information campaign.

Kada taon ay dalawampung bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility at halos 10 ang tumatama sa kalupaan o nagla-landfall.

Tiwala si Malano na sa pamamagitan ng TikTok ay mas lalawak pa ang kaalaman ng publiko, lalo na ng mga kabataan patungkol sa bagyo.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin ang PAGASA na patungkol na magmonitor sa kanilang weather advisories bilang paghahanda sa papalapit na bagyo sa  bansa

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: