Breaking News

Share this information:

WALA ng buhay nang lumutang ang katawan ng isang 13-anyos na binatilyo na unang napaulat na nalunod matapos maligo sa Tullahan River sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang biktima na si Vincent Steve Lagrimas ng Lot 9, Block 11, Hernandez St., Brgy. Catmon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng Martes ng umaga nang matagpuan ni Evaristo Royo, 61 anyos, ang halos naaagnas nang bangkay ng biktima na nakalutang sa Tullahan River na sakop ng Dulong Ugnatan St., Brgy. Concepcion.

Agad ipinaalam ng saksi sa pulisya ang insidente at lumabas sa isinagawang ocular investigation na wala naman nakitang palatandaan na may mga sugat sa katawan ang biktima.

Positibo namang kinilala ang biktima ng kanyang tiyuhin na si Romnick Madulid bilang kanyang pamangkin.

Nabatid na nalunod ang biktima matapos maligo sa Tullahan River sa Brgy. Tinajeros kasama ang dalawang menor-de-edad na kaibigan noong September 12, 2021, dakong alas-3 ng hapon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: