Binatilyo todas sa rambulan sa Palawan

Share this information:

NASAWI sa pakikipag rambulan ang isang 16 anyos na lalaki sa grupo ng mga kabataan sa Puerto Prinsesa City sa Palawan.

Nakilala ang biktima sa alyas na “Marlon” habang naaresto naman ang dalawang suspek sa pananaksak na si Arjay Fabia, 18 taong gulang, residente ng Barangay Langogan at isa rin na menor-de-edad na lalaki na alyas”Waway”.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Puerto Prinsesa City Police, naganap ang krimen dakong alas 11: 35 ng gabi ng Sabado habang ang dalawang grupo ay nag iinuman sa loob ng isang kilalang restobar sa Baywalk, Barangay San Isidro.

Kasama ng biktima ang anim nitong kaibigan ng masangkot sa gulo sa pagitan ng grupo ni Fabia na hindi kalayuan sa kanilang lamesa.

Sumiklab ang rambulan sa loob ng restobar ng magbatuhan na ng mga bote ng serbesa at silya ang magkabilang grupo hanggang masaksak na ang biktima.

Hindi na umabot ng buhay sa MMG-PPC Cooperative Hospital ang binatilyo bunsod ng tinamong tarak ng kutsilyo sa kanyang dibdib.

Agad nagsitakas ang mga suspek subalit kalaunan ay nadakip ng pulisya dahil kapwa sila inginuso ng isa sa kanilang kasamahan na sangkot sa rambol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.