Breaking News

Share this information:

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang masita dahil sa curfew sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomarie Ignacio, 27 anyos, mangingisda ng 286 M Sioson St., Peoples Brgy. Dampalit.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Salvador Laklaken Jr, dakong alas-3:10 ng madaling araw ay nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PCpl. Vrian Alfred Alegarbes sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Patrick Alvarado sa kahabaan ng M. Sioson St. Brgy. Dampalit.

Dito, nakita nila ang suspek sa naturang lugar na abala sa pagbusisi ng hawak na dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at malinaw na lumalabag sa curfew.

Inaresto ng mga pulis ang suspek at nakumpiska sa kanya ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa .56 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3,536.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: