MULA kahapon, Disyembre 27, ay pito na ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na sentinel hospitals ng Department of Health (DOH).
Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa 32 na mas mataas ng 39 porsiyento kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong petsa.
Paalala ng DOH, umiwas muna sa paputok para maaaring magdiwang nang kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon.
Kasabay ng laging paalala ng DOH, inilunsad ang Iwas Paputok campaign para sa isang #LigtasChristmas sa Healthy Pilipinas.