Tuloy pa din ang pagtuturok ng “monovalent vaccines” — DOH

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na sa kabila ng inilabas na “emergency use authorization” (EUA) para sa mga bagong bivalent vaccines ay patuloy pa rin ang pagtuturok ng “monovalent vaccines” sa mga Pilipino.

Hindi po natin ititigil itong monovalent kasi ito naman po ay epektibo pa rin naman po,” sabi  ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kumpara sa monovalent vaccines na ginawa upang labanan ang orihinal na virus mula sa Wuhan, China, ang bivalent vaccines ay magbibigay naman ng proteksyon laban sa malulubhang sakit dulot ng mga bagong variants.

Ito pong bivalent, bibigyan ng additional protection especially po yung ating mga nakakatanda saka yung mga vulnerable,” paliwanag ni Vergeire.

Inaasahan naman na maglalabas ang DOH sa mga susunod na araw ng mga rekomendasyon at panuntunan sa pagtukoy sa prayoridad na populasyon o kung ibibigay ito sa “general population.”

Tayo po ay bumibili din nitong bivalent vaccine, siyempre, unang-una para mas maprotektahan yung mga vulnerable natin, kasi po may mga ebidensya nang lumalabas na sa ating nakakatanda, at saka doon sa mga may comorbidities, mas protektado sila kung meron itong bivalent vaccine,” paliwanag pa ni Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.