Bilang ng mga pasyente sa Manila COVID-19 Field Hospital, bahagyang bumaba

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa pangangalaga ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Sa pinakahuling tala kahapon, July 28, nasa 141 ang mga pasyente sa naturang field hospital o katumbas ng 41 percent ng 344-bed capacity ng pasilidad.

Mas mababa ito kumpara sa halos 200 pasyente na naitala noong nakalipas na linggo.

Base sa datos ng Manila COVID-19 Field Hospital, mula sa 141 na mga pasyente, mayorya ay mga Overseas Filipino Workers o OFWs habang dalawa lamang ang hindi OFW.

Dagdag ng pasilidad, karamihan sa mga pasyente ay hindi taga-Maynila.

Batay sa ulat, 102 sa mga pasyente ay asymptomatic, 39 ang may mild na kaso habang walang severe o kritikal ang kondisyon.

Pagdating sa vaccination status ng mga pasyante, 71 ang ganap nang bakunado kontra COVID-19, 15 ang partially vaccinated at 55 ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Tiniyak naman ng Manila COVID-19 Field Hospital na mayroon pa rin silang sapat na personnel, kapasidad at kagamitan, gayundin ang oxygen inventory na nasa 119 pa ang reserba.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.