Bata, patay sa sunog sa Makati City

Share this information:

NASAWI ang limang taong gulang na babae sa sunog na sumiklab sa residential condominium kaninang madaling araw sa Barangay Tejeros, Makati City.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, maliban sa isang batang namatay sa sunog ay apat na miyembro ng pamilya nito ang nasugatan sa sunog.

Dakong ala-1:27 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Tejeros Bliss Building 2 sa H. Santos Street na umabot ng unang alarma.

Mahimbing umanong natutulog ang mag-anak nang may marinig na malakas na pagputok ang kapitbahay nito at saka nakitang kumalat ang apoy.

Aabot naman sa 10-libong piso ang halaga ng naging pinsala ng sunog na idineklarang fire out dakong alas-2:22 ng madaling araw.

Patuloy pang sinisiyasat ng BFP ang pinagmulan ng apoy bagamat sa paunang impormasyon ay naiwang nakasaksak na baterya ng e-bike sa sala ng bahay ang posibleng sanhi ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pilipinas, umapela sa Myanmar na ibalik ang status quo ante

Wed Feb 10 , 2021
UMAPELA si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., sa Myanmar na maibalik ang status quo ante o ang dating sitwasyon kasunod ng military takeover na nagresulta ng pag-aresto ng mga pangunahing lider nito at paglulunsad ng malawakang kilos-protesta. Sa isang pahayag, sinabi ni Locsin na suportado ng Pilipinas ang pagsisikap […]

Follow Us

%d bloggers like this: