Pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan sa Kamara

Share this information:

PINAIIMBESTIGAHAN ni House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas ang lumalaganap na “online adoption” o ilegal na pag-aampon gamit ang social media ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang pag-aampon gamit ang internet na maituturing na isang human trafficking.

Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Vargas, ang 5th District Representative ng Quezon City, mula sa halos 50 ang pekeng Facebook accounts na nabistong nagsasagawa ng online adoption.

Ayon pa sa mambabatas, nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa National Bureau of Investigation upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng mga social media account na sangkot.

Pero giit ni Vargas, dapat ay umaksyon ang pamahalaan at ang Kongreso upang mapigilan na ang ganitong uri ng kalakaran at maprotektahan ang mga bata laban sa mga kriminal.

Hindi rin aniya dapat hayaan na may mga nagsasamantala sa kahirapan ng mga tao ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

Apela naman ni Vargas sa mga magulang, kung talagang desidido silang ipaampon ang kanilang anak ay idaan ito sa legal at tamang paraan, gaya ng sa pamamagitan ng agency adoption at pino-proseso ng DSWD o kaya’y pagpapapa-ampon ng bata sa kaanak (na hanggang ika-apat na degree ng consanguinity).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bata, patay sa sunog sa Makati City

Wed Feb 10 , 2021
NASAWI ang limang taong gulang na babae sa sunog na sumiklab sa residential condominium kaninang madaling araw sa Barangay Tejeros, Makati City. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, maliban sa isang batang namatay sa sunog ay apat na miyembro ng pamilya nito ang nasugatan sa sunog. […]

Follow Us

%d bloggers like this: