TODAS ang kagawad ng barangay nang pagbabarilin sa bayan ng Pilar, Sorsogon.
Tinukoy ng pulisya ang nasawi na si Semion Militante, Jr., 54-taong gulang at kagawad ng Brgy. Esperanza.
Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, naganap ang pamamaril kaninang alas-nueve ng umaga habang bumibiyahe ang biktima na lulan ng kanyang motorsiklo.
Lumalabas na hinarang ng suspek ang biktima at pinuntirya sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Inaalam na ng pulisya ang posibleng motibo at nasa likod ng krimen.