PUMALO na sa mahigit P100 milyon ang halaga ng naiwang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng bagyong Pepito.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa kabuuang P121,687,633 ang halaga ng pinsala ng bagyo.
Sa nasabing halaga, aabot sa P92,457,633 ang pinsala sa agrikultura habang P29,240,000 sa imprastraktura na karamihan ay mga paaralan.
Iniulat din na mayruong 5,555 pamilya o katumbas ng 25,268 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad. Nasa 3,639 sa mga pamilya o katumbas ng 16,343 residente ang inilikas at dinala sa 89 na evacuation center sa Region 2, Region 3 at Region 4-A.