Breaking News

Share this information:

SPECIAL REPORT

ISANG barangay chairman sa Tondo, Maynila ang umano’y pinagkakitaan ang Social Amelioration Program (SAP) beneficiaries kasabwat ang Manila City Department of Social Welfare (MDSW).

Nabatid na Huwebes noong nakaraang Linggo ng makatanggap ng P16,000 pay out ang mga SAP benericiaries.

Ang naturang beneficiaries ay kasama sa waitlist na isinumite ng barangay.

Ipinatatawag pa umano mismo ni Chairman ng barangay na may palayaw na “Jojo” sa barangay hall ang  mga beneficiaries upang kunin ang isang libong piso (kada beneficiary) na umano’y napagkasunduan ng ibigay sa barangay dahil ibibigay umano ito na “pamasko” sa isang Mam Julie at Ate Jam ng MDSW District 2.

Ayon pa sa nagsiwalat ng anomalya, sinasabi pa umano ni Kap Augusto “JoJo” S., na ang 1 libong piso ay ibibigay sa MDSW dahil binigyang importansya ang kanilang barangay kaya nakakuha ng SAP. 

Bukod dito, may ilang SAP beneficiaries mula sa ibang lugar ang umano’y isinali sa listahan ng barangay kahit hindi sila residente doon, subalit kalahati umano ng P16,000 ang parte ni Chairman.

Nagbanta pa umano si Chairman na ang sinumang hindi magbibigay ng isang libo ay tatablahin niya at hindi na makakatanggap ng anumang ayuda mula sa barangay.

“Mukhang natolongges si Yorme Isko kasi kung alam niya ito hindi mangyayari ito sa kanyang pamamahala,” saad pa ng nagsiwalat na residente sa lugar at mismong SAP beneficiary.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: