3 patay sa pag-araro ng oil tanker truck sa Bataan

Share this information:

PATAY ang tatlong indibidwal habang anim na iba pa ang sugatan nang mang-araro ng mga traysikel ang isang mini oil tanker truck sa Mariveles, Bataan.

Sa report ng pulisya, natukoy ang mga nasawi na sina Rene Lansangan, 56, at Retchen Rana Atencio, 31, kapwa pasahero ng binanggang tricycle at Eduardo Santos, 42, driver ng isa pang tricycle.

Batay sa imbestigasyon ng Mariveles Municipal Police Station, nangyari ang trahedya sa Barangay Baseco pasado alas 10 ng umaga ng Martes, Oktubre 26, 2021.

Sinasabing ang naturang truck na puno ng produktong petrolyo ay maghahatid sana sa isang gasolinahan sa bayan ng mawalan umano ng preno sa pabulusok na bahagi ng kalsada.

Dead on the spot sina Lansangan at Santos samantalang si Atencio ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Maheseco Hospital nitong hapon ng Martes.

Kabilang din sa mga sugatan na isinugod sa ibat ibang ospital sa Mariveles ang oil tanker driver na si Joel Bonzato, 46, ng Limay; Bataan, ang vendor na si Debina Jallorina, 44; Adriane Jallorina, 6 anyos; Ariel Belano, 32; Cesar Villanueva, trycicle driver at isa pang residente.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicides ang driver ng truck na si Bonzato na ngayon ay nasa kustodiya ng Mariveles police.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pari na kumandidato sa pagka-alkalde sinuspinde ng CBCP

Wed Oct 27 , 2021
SINUSPINDE ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang isang pari matapos na maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde  sa isang bayan sa Camarines Sur. Ayon sa News website ng CBCP, sinabi ni  Camarines Sur Bishop Jose Rojas na nilabag ni  Fr. Granwell Pitapit ang  Canon Law, na nagsasaad […]
%d bloggers like this: