Bangkay ng lalaki, iniwan sa tabing kalsada sa Quezon

Share this information:

QUEZON–Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang van na iniwan sa tabi ng kalsada sa bayan ng Real sa lalawigang ito.

Wala ng buhay nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Darwin Gucilatar, 37 anyos at residente ng Brgy. Poblacion 61 sa bayan ng Real.

Nakitaan ito ng dalawang tama ng bala sa ulo na siyang dahilan di-umano ng pagkamatay nito.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan din ang nasabing biktma na nakatakip ang mga mata ng panyo at nakatali pa ng cable wire sa leeg.

Base sa record ng biktima, kabilang ito sa drug watchlist ng pulisya at naaresto na noong Agosto 2019 dahil sa kasong ilegal na droga.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang dahilan ng pamamaslang kay Gucilatar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.