Isinagawa ang ikatlong simulation exercise ngayong araw sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila para sa pagbabakuna kontra COVID-19
Layon nito na masiguro ang kaayusan sa sandaling pormal nang pasimulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Isinasagawa ang vaccination simulation sa Pedro Guevarra Elementary School
Katuwang ng Justice Jose Abad Santos Genetal Hospital ang mga opisyal ng barangay sa Binondo at San Nicolas sa Maynila
Matatandaan na unang nagsagawa ng simulation ng vaccination sa Maynila na ginanap sa Unibersidad de Manila, na sinundan naman sa Isabelo delos Reyes Elementary School sa Tondo.
Isinasagawa ang simulation upang malaman ang proseso at paghahanda kapag dumating na sa bansa ang aprubadong bakuna na binili ng lokal na pamahalaan.
(Photo credit: pia.gov.ph)