Bahagi ng Subic Freeport Expressway: Ginagawang tulay, bumigay, 2 obrero utas, 3 pa sugatan

Share this information:

Dalawa ang patay habang tatlo ang sugatan sa naganap na pagbagsak ng temporary post ng ginagawang tulay sa Barangay Tipo, Hermosa sa Bataan na bahagi ng ginagawang Subic Freeport Expressway o SFEX.

Sa inisyal na ulat mula sa Hermosa police, nakilala ang mga nasawi na sina Vivincio Pamisa at Marvin Tajores, kapwa mga scaffolders habang nasa maselang kondisyon naman ang tatlong kasamahan na construction workers na sina Joel Pitel, John Ray Salatan at Peter Pahilan, mga manggagawa ng Sta. Clara International Corp, isang contractor company.

Lumalabas na ala 1:20 ng hapon ngayong araw ng Martes ng mangyari ang trahedya sa ginagawang Jadjad Bridge sa naturang lugar.

Ayon sa isang kasamahan ng mga biktima bumigay umano o nag collapsed ang 18 metrong bridge steel girder na may bigat na 180 tonelada at dumagan sa mga biktima.

Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.