Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 28 anyos na medical frontliner matapos tangkaing paslangin sa parking lot ng isang mall sa bayan ng Sta. Rosa, sa Laguna araw ng Martes.
Ayon kay Sta. Rosa Police Chief Lt. Col.Vicente Amante, nakilala ang biktimang si Jules Catalan Chang, residente ng Barangay Malitlit, Sta. Rosa City.
Dalawang tama ng bala sa kamay at likod ang tinamo ng biktima matapos itong barilin sa parking lot ng mall.
Upang makaligtas,tumalon lamang ito mula sa kanyang Sports Utility Vehicle habang nakita nito ang suspek mula sa kanyang likuran.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pangyayari at love triangle ang tinitingnang anggulo sa tangkang paglikida sa medical frontliner.