NABUO na bilang Tropical Depression o mahinang uri ng bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa bahagi ng Central Luzon.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo sa layong 2,125 kilometro ng Silangan ng Central Luzon, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa sandaling pumasok bukas sa PAR ang bagyo ay tatawagin itong Rolly.
Kumikilos ang Tropical Depression sa bilis na 15 kilometro kada oras at taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 55 kilometro bawat oras.
Tinataya na babagtasin ng bagyo ang Bicol Region- Eastern Visayas area.
Sa forecast positions at intensities ng bagyong Rolly, tatahakin ng bagyo mula Central Luzon ang Southern Luzon hanggang sa Legazpi City, Albay sa Nobyembre at inaasahang lalakas pa o magiging Severe Tropical Storm ang kategorya.
Dahil dito, inaasahan na uulanin ang Undas partikular na sa Bicol na hindi pa nakababangon mula sa epekto ng bagyong Quinta.