Kopya ng 2021 national budget naipadala na ng Kamara sa Senado

NAIPADALA ng House of Representatives sa Senado ang kopya ng inaprubahan nitong bersyon ng P4.506 trilyong 2021 General Appropriations Bill (GAB) o ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Isang araw na mas maaga ito sa Oktubre 28 na ipinangako ng Kapulungan na target ng transmittal ng 2021 budget bill sa Senado.

Kasabay nito, sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na hindi lamang sila nagpatibay ng national budget sa matatawag na konstitusyunal o sa legal na paraan at sa maagang panahon, tiniyak pa nilang nakapaloob dito ang spending plan para tugunan ang pangangailangan ng taumbayan ngayong nahaharap ang bansa sa public health crisis.

Tinaasan aniya nila ng tatlong beses ang alokasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines at may extra allocation para sa enhancement program ng mga pasilidad ng  Department of Health upang mapaganda ang health care system ng bansa.

Sa bersyon  ng Kamara, may dagdag pondo rin para sa Department of Labor and Employment upang magamit na ayuda sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at sa Department of Social Welfare and Development para sa isa pang round ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng health crisis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.