Mga nabigyan ng cash assistance, halos 5-milyon pa lang – DILG

Share this information:

MALAYO pa sa kalahati ng target na 22.9 milyong benepisyaryo ng cash assistance ng gobyerno ang nabigyan ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) at apat na lalawigang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).

Pero ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya, maganda na rin ang itinatakbo ng pamamahagi ng tulong na tinanggap na ng may 4.47 milyong benepisyaryo o katumbas ng P4.47 bilyong pondo na nailabas ng pamahalaan.

Maganda naman ang takbo ng ayuda natin kasi P4.47 billion na ang naipamigay natin dito sa Metro Manila, which represents 4.47 million beneficiaries na ang ating nabigyan dito sa Metro Manila,” ayon kay Malaya.

Una nang naglabas ng P22 bilyong pondo ang national government para sa 22.9 milyong benepisyaryo at ipinaubaya sa mga LGU kung ibibigay na cash o in kind.

Samantala, nakatakdang magpulong sa Lunes ang Metro Manila mayors kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at DILG upang talakayin ang posibleng pagpapalawig ng distribusyon ng cash assistance mula sa ibinigay na deadline na 15 araw lamang.

Magmi-meeting ang NCR mayors with Secretary [Eduardo] Año and Secretary [Rolando] Bautista para mapag-usapan na ang extension. So huwag mag-alala ang ating mga kababayan, meron namang prosesong sinusunod at masosolusyonan at magagawan ng desisyon ang inyong apela na ngayon ay nasa grievance committee na,” ani Malaya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.