NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center ng unang kaso ng bagong variant ng covid-19 na b.1.1.318 variant.

Ayon sa DOH, pinag-aaralan na ang naturang variant at itinuturing na variant under monitoring dahil ang mutation na ito ay maaaring maka-apekto sa efficacy o bisa ng bakuna.
Galing ang sample sa 34-taong gulang na lalaki na may travel history sa United Arab Emirates (UAE).
Nuong Marso 10, 2021 pa nakuhanan ng sample ang lalaki at gumaling na.
Unang na detect ang b.1.1.318 variant sa bansang Mauritius.
Sa 746 sample na ginawa ng DOH, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 380 ang positibo sa Delta variant.
Nasa 166 naman ang kaso ng beta variant o b.1351 habang 104 na kaso ng alpha variant o b.1.1.7.