Bilang ng mga menor de edad na nabakunahan, mahigit 9,000 – DOH

Share this information:

INIHAYAG ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot sa mahigit 9,000 kabataan ang nabakunahan kontra Covid-19 mula sa edad 12-17.

Ayon kay Vergeire, hanggang kahapon ay umanbot na sa kabuuang 9,928 ang pediatric group na naturukan.

Tinuturing naman ng opisyal na tagumpay ang mass vaccination sa mga kabataan, bagaman may ilang nakaranas ng adverse events matapos ang pagbabakuna sa kanila.

Nasa 10 aniya sa mga ito ang nakaranas ng allergic reactiom, 3 ang anxiety reaction, 4 minor reactions tulad ng pananakit ng braso.

Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang monitoring sa mga kabataang naturukan nang hanggang isang buwan upang malaman kung sila ay magkakaroon pa ng adverse reactions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.