Safety health protocol sa Dolomite Beach walk ipatupad – DOH

Share this information:

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa publiko maging sa mga ahensya at local government units (LGUs) na ipatupad ang safety health protocol upang maiwasan na magkaroon ng muling pagtaas ng kaso ng Covid-19 dahil sa mass gathering.

Kasabay nito, muling nagpapaalala si Health Usec Maria Rosario Vergeire na may inilabas ang IATF na kapasidad sa ilang mga lugar na 50 percent lamang.

Binigyan diin ni Vergeire na kahit nagluwag ng Alert Level sa National Capital Region (NCR) o kahit pa sa buong bansa ay  dapat maging responsable ang publiko, LGU at mga ahensya sa safety protocol na ipinaiiral.

Paalala pa ni Vergeire sa publiko, kapag nakikita na crowded ang isang lugar ay huwag na dapat pumunta upang maiwasan na muling bumalik sa dating paghihigpit.

Ang pahayag at paalala ni Vergeire ay sa harap ng pagdagsa ng mga tao sa Dolomite Beach sa Manila Bay mula nang buksan ito sa publiko noong nakaraang linggo kung saan hindi na ito ang 50 percent na limitasyon na pinaiiral ng IATF.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.